1Pagkatapos, sumagot si Bildad na taga-Shua,
2“Job, hanggang kailan ka ba magsasalita ng ganyan? Ayusin mo ang sinasabi mo at saka kami makikipag-usap sa iyo.
3Ang tingin mo ba sa amin ay mga hayop na hindi nakakaunawa?
4Sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil sa galit mo. Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo, pababayaan na ng Diyos ang mundo o ililipat niya ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan?