Job 18

Sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil sa galit mo. Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo, pababayaan na ng Diyos ang mundo o ililipat niya ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan?

Job 18:4 (UKJV) He tears himself in his anger: shall the earth be forsaken for you? and shall the rock be removed out of his place?

2“Job, hanggang kailan ka ba magsasalita ng ganyan? Ayusin mo ang sinasabi mo at saka kami makikipag-usap sa iyo.

3Ang tingin mo ba sa amin ay mga hayop na hindi nakakaunawa?

4Sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil sa galit mo. Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo, pababayaan na ng Diyos ang mundo o ililipat niya ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan?

5“Sa totoo lang, ang taong masama ay tiyak na mamamatay. Ang tulad niyaʼy ilaw na hindi na magbibigay ng liwanag.

6Magdidilim sa kinaroroonan niya, dahil mamamatay ang ilawang malapit sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.