4Sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil sa galit mo. Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo, pababayaan na ng Diyos ang mundo o ililipat niya ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan?
5“Sa totoo lang, ang taong masama ay tiyak na mamamatay. Ang tulad niyaʼy ilaw na hindi na magbibigay ng liwanag.
6Magdidilim sa kinaroroonan niya, dahil mamamatay ang ilawang malapit sa kanya.
7Noon ay may katatagan siya ngunit ngayon ay bumabagsak. Ang sarili niyang plano ang siya ring sisira sa kanya.
8Siya mismo ang lumakad papunta sa bitag at nahuli siya.