10Walang tigil ang panganganak ng kanilang mga baka at hindi ito nakukunan.
11Marami silang anak, parang kawan ng tupa sa dami; at ang mga itoʼy nagsasayawan.
12Silaʼy nag-aawitan, at nagkakatuwaan sa tugtog ng tamburin, alpa at plauta.
13Namumuhay sila sa kasaganaan at payapang humihimlay sa libingan.
14Ngunit sinasabi nila sa Diyos, ‘Pabayaan mo kami! Ayaw naming malaman ang iyong mga pamamaraan.