12Silaʼy nag-aawitan, at nagkakatuwaan sa tugtog ng tamburin, alpa at plauta.
13Namumuhay sila sa kasaganaan at payapang humihimlay sa libingan.
14Ngunit sinasabi nila sa Diyos, ‘Pabayaan mo kami! Ayaw naming malaman ang iyong mga pamamaraan.
15Sino kang Makapangyarihan na dapat naming paglingkuran? At ano ba ang mapapala namin kung mananalangin kami sa iyo?’
16Subalit ang totoo, ang pag-unlad nilaʼy hindi galing sa sarili nilang pagsisikap. Kaya anuman ang ipapayo ng masasamang taong ito ay hindi ko tatanggapin.