16Subalit ang totoo, ang pag-unlad nilaʼy hindi galing sa sarili nilang pagsisikap. Kaya anuman ang ipapayo ng masasamang taong ito ay hindi ko tatanggapin.
17“Subalit madalang ang taong masasamâ na namamatay. Bihirang dumating sa kanila ang kahirapan o parusang ipinapadala ng Diyos dahil sa kanyang galit.
18Bihira nilang maranasan ang mapalayas tulad ng ipa na tinatangay ng malakas na hangin.
19Sinasabi ninyong kapag hindi sila parurusahan ng Diyos, ang mga anak nila ang parurusahan. Ngunit sa ganang akin, ang nagkasala ang siyang dapat parusahan ng Diyos upang maunawaan nila ang kanyang hatol.
20Nawaʼy makita nila ang kanilang kapahamakan. Matikman sana nila ang galit ng Diyos na Makapangyarihan.