Job 21

Sabi nila, ang masamaʼy nakakatakas sa araw ng kapahamakan, at silaʼy nakakaligtas sa araw ng kaparusahan.

Job 21:30 (UKJV) That the wicked is reserved to the day of destruction? they shall be brought forth to the day of wrath.

28Sasabihin ninyo sa akin ang tungkol sa mga taong mayaman na nawasak ang tahanan dahil sa kanilang kasamaan.

29Hindi ba kayo nakapagtanong sa mga naglalakbay? Hindi ba ninyo binigyang pansin ang kanilang mga salaysay?

30Sabi nila, ang masamaʼy nakakatakas sa araw ng kapahamakan, at silaʼy nakakaligtas sa araw ng kaparusahan.

31Walang sumasaway sa mga taong masasamâ. Walang gumaganti sa kanilang mga maling gawa.

32At kapag namatay siya at inihatid sa huling hantungan, maraming tao ang nakikipaglibing.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.