Job 22

Kapag nakita ng mga taong matuwid at walang kasalanan ang kapahamakan ng mga taong masama, matutuwa sila at magdiriwang.

Job 22:19 (UKJV) The righteous see it, and are glad: and the innocent laugh them to scorn.

17Sinabi nila sa Diyos na Makapangyarihan, ‘Pabayaan mo kami!’ At ‘Ano baʼng magagawa ng Diyos na Makapangyarihan sa amin?’

18Ngunit ang Diyos ang siyang pumuno sa kanilang tahanan ng mabubuting bagay. Kaya ang ipapayo ng masasamang tao ay hindi ko tatanggapin.

19Kapag nakita ng mga taong matuwid at walang kasalanan ang kapahamakan ng mga taong masama, matutuwa sila at magdiriwang.

20Sasabihin nila, ‘Napahamak na ang mga kaaway natin, at natupok sa apoy ang kayamanan nila.’

21“Job, magpasakop ka sa Diyos at makipagkasundo sa kanya upang pagpalain ka niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.