Job 23

Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya sa akin at gusto ko ring maintindihan ang sasabihin niya.

Job 23:5 (UKJV) I would know the words which he would answer me, and understand what he would say unto me.

3Kung alam ko lang kung saan ko siya hahanapin; kung makakapunta lang sana ako sa kinaroroonan niya,

4sasabihin ko sa kanya ang aking kaso at ilalahad ang aking katuwiran.

5Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya sa akin at gusto ko ring maintindihan ang sasabihin niya.

6Makikipagtalo kaya siya sa akin gamit ang kapangyarihan niya? Hindi! Hindi niya iyon gagawin, kundi pakikinggan niya ako.

7Ang taong matuwid na tulad ko ay maaaring mangatuwiran sa harap ng aking hukom, at palalayain niya ako nang lubusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.