Job 23

Ang taong matuwid na tulad ko ay maaaring mangatuwiran sa harap ng aking hukom, at palalayain niya ako nang lubusan.

Job 23:7 (UKJV) There the righteous might dispute with him; so should I be delivered for ever from my judge.

5Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya sa akin at gusto ko ring maintindihan ang sasabihin niya.

6Makikipagtalo kaya siya sa akin gamit ang kapangyarihan niya? Hindi! Hindi niya iyon gagawin, kundi pakikinggan niya ako.

7Ang taong matuwid na tulad ko ay maaaring mangatuwiran sa harap ng aking hukom, at palalayain niya ako nang lubusan.

8“Akoʼy pumunta sa silangan, ngunit wala siya roon; pumunta ako sa kanluran, ngunit hindi ko siya makita.

9Hindi ko siya natagpuan sa hilaga, sapagkat siyaʼy nakakubli. Hinanap ko siya sa timog, ngunit siyaʼy natatakpan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.