Job 27

Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensiya habang akoʼy nabubuhay.

Job 27:6 (UKJV) My righteousness I hold fast, and will not let it go: my heart shall not reproach me so long as I live.

4hindi ako magsasalita ng masama at kasinungalingan.

5Hinding-hindi ko matatanggap na tama kayo. Ipipilit ko pa ring wala akong kasalanan hanggang sa aking kamatayan.

6Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensiya habang akoʼy nabubuhay.

7“Parusahan nawa ng Diyos ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao!

8Sapagkat ano ang pag-asa ng taong walang takot sa Diyos kung bawiin na ng Diyos ang kanyang buhay?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.