Job 27

“Parusahan nawa ng Diyos ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao!

Job 27:7 (UKJV) Let mine enemy be as the wicked, and he that rises up against me as the unrighteous.

5Hinding-hindi ko matatanggap na tama kayo. Ipipilit ko pa ring wala akong kasalanan hanggang sa aking kamatayan.

6Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensiya habang akoʼy nabubuhay.

7“Parusahan nawa ng Diyos ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao!

8Sapagkat ano ang pag-asa ng taong walang takot sa Diyos kung bawiin na ng Diyos ang kanyang buhay?

9Diringgin kaya ng Diyos ang paghingi niya ng tulong kung dumating sa kanya ang kagipitan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.