9Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga ng araw na iyon, at hindi na sana dumating ang bukang-liwayway.
10Isinusumpa ko ang araw na iyon dahil hindi niya pinigilan ang pagsilang sa akin, nang hindi ko na sana naranasan ang ganitong paghihirap.
11“Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina.
12Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina?
13Kung namatay na sana ako noon, tahimik na sana ako ngayon, natutulog at nagpapahinga