7Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasiyahan noon.
8Sumpain nawa ang gabing iyon ng mga manunumpa na nakakaalam kung paano pakilusin ang Leviatan.
9Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga ng araw na iyon, at hindi na sana dumating ang bukang-liwayway.
10Isinusumpa ko ang araw na iyon dahil hindi niya pinigilan ang pagsilang sa akin, nang hindi ko na sana naranasan ang ganitong paghihirap.
11“Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina.