11“Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina.
12Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina?
13Kung namatay na sana ako noon, tahimik na sana ako ngayon, natutulog at nagpapahinga
14kasama ng mga hari at mga pinuno ng mundo na nagtayo ng mga palasyo na giba na ngayon.
15Nagpapahinga na rin sana ako kasama ng mga pinuno na ang mga tahanan ay puno ng mga gintoʼt pilak.