10Namumuhi sila at umiiwas sa akin. Hindi sila nangingiming duraan ako sa mukha.
11Ngayong pinanghina ako at pinahirapan ng Diyos, ginawa nila ang gusto nilang gawin sa akin.
12Nilusob ako ng masasamang ito at nilagyan ng bitag ang aking dadaanan. Talagang pinagsisikapan nila akong ipahamak.
13Sinisira nila ang dadaanan ko upang ipahamak ako. At nagtatagumpay sila kahit walang tumutulong sa kanila.
14Sinasalakay nila ako na parang mga sundalong dumadaan sa malalaking butas ng gibang pader.