Job 30

Sinisira nila ang dadaanan ko upang ipahamak ako. At nagtatagumpay sila kahit walang tumutulong sa kanila.

Job 30:13 (UKJV) They ruin my path, they set forward my calamity, they have no helper.

11Ngayong pinanghina ako at pinahirapan ng Diyos, ginawa nila ang gusto nilang gawin sa akin.

12Nilusob ako ng masasamang ito at nilagyan ng bitag ang aking dadaanan. Talagang pinagsisikapan nila akong ipahamak.

13Sinisira nila ang dadaanan ko upang ipahamak ako. At nagtatagumpay sila kahit walang tumutulong sa kanila.

14Sinasalakay nila ako na parang mga sundalong dumadaan sa malalaking butas ng gibang pader.

15Takot na takot ako, at biglang nawala ang karangalan ko na parang hinipan ng malakas na hangin, at ang kasaganaan koʼy naglahong gaya ng ulap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.