14Sinasalakay nila ako na parang mga sundalong dumadaan sa malalaking butas ng gibang pader.
15Takot na takot ako, at biglang nawala ang karangalan ko na parang hinipan ng malakas na hangin, at ang kasaganaan koʼy naglahong gaya ng ulap.
16“At ngayon ay parang mamamatay na ako; walang tigil ang aking paghihirap.
17Sa gabi ay kumikirot ang mga buto ko at hindi nawawala ang sakit nito.
18Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ng Diyos, sinunggaban niya ako, hinawakan sa kuwelyo,