16“At ngayon ay parang mamamatay na ako; walang tigil ang aking paghihirap.
17Sa gabi ay kumikirot ang mga buto ko at hindi nawawala ang sakit nito.
18Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ng Diyos, sinunggaban niya ako, hinawakan sa kuwelyo,
19at inihagis sa putik. Naging parang alikabok at abo na lang ako.
20“O Diyos, humingi ako ng tulong sa inyo ngunit hindi kayo sumagot. Tumayo pa ako sa harapan nʼyo ngunit tiningnan nʼyo lang ako.