Job 30

“O Diyos, humingi ako ng tulong sa inyo ngunit hindi kayo sumagot. Tumayo pa ako sa harapan nʼyo ngunit tiningnan nʼyo lang ako.

Job 30:20 (UKJV) I cry unto you, and you do not hear me: I stand up, and you regard me not.

18Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ng Diyos, sinunggaban niya ako, hinawakan sa kuwelyo,

19at inihagis sa putik. Naging parang alikabok at abo na lang ako.

20“O Diyos, humingi ako ng tulong sa inyo ngunit hindi kayo sumagot. Tumayo pa ako sa harapan nʼyo ngunit tiningnan nʼyo lang ako.

21Naging malupit kayo sa akin. Pinahirapan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

22Parang ipinatangay nʼyo ako sa hangin at ipinasalanta sa bagyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.