19at inihagis sa putik. Naging parang alikabok at abo na lang ako.
20“O Diyos, humingi ako ng tulong sa inyo ngunit hindi kayo sumagot. Tumayo pa ako sa harapan nʼyo ngunit tiningnan nʼyo lang ako.
21Naging malupit kayo sa akin. Pinahirapan nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
22Parang ipinatangay nʼyo ako sa hangin at ipinasalanta sa bagyo.
23Alam kong dadalhin nʼyo ako sa lugar ng mga patay, ang lugar na itinakda para sa lahat ng nilalang.