4Pinipitas nila ang mga halaman sa latian, at kinakain ang ugat ng mga tambo.
5Tinataboy sila palayo sa kanilang mga kababayan at sinisigawan na parang mga magnanakaw.
6Tumitira sila sa mga lambak, sa malalaking bitak ng bato at mga lungga sa lupa.
7Para silang mga hayop na umaalulong sa kagubatan at nagsisiksikan sa ilalim ng maliliit na punongkahoy.
8Wala silang halaga, walang nakakakilala at pinalayas pa sa kanilang lupain.