5Tinataboy sila palayo sa kanilang mga kababayan at sinisigawan na parang mga magnanakaw.
6Tumitira sila sa mga lambak, sa malalaking bitak ng bato at mga lungga sa lupa.
7Para silang mga hayop na umaalulong sa kagubatan at nagsisiksikan sa ilalim ng maliliit na punongkahoy.
8Wala silang halaga, walang nakakakilala at pinalayas pa sa kanilang lupain.
9“At ngayon, paawit pa kung akoʼy kutyain ng kanilang mga anak at naging katatawanan pa ako sa kanila.