9“Kung naakit ako ng ibang babae o napaibig sa asawa ng aking kapwa,
10kunin nawa at sipingan ng ibang lalaki ang asawa ko.
11Sapagkat ang pangangalunya ay kasalanang nakakahiya, at dapat na parusahan ang taong ganyan ang ginagawa.
12Iyan ay parang mapamuksang apoy na uubos sa lahat ng aking kabuhayan.
13“Kung hindi ko pinahalagahan ang karapatan ng aking alipin nang dumaing sila sa akin,