11Sapagkat ang pangangalunya ay kasalanang nakakahiya, at dapat na parusahan ang taong ganyan ang ginagawa.
12Iyan ay parang mapamuksang apoy na uubos sa lahat ng aking kabuhayan.
13“Kung hindi ko pinahalagahan ang karapatan ng aking alipin nang dumaing sila sa akin,
14anong gagawin ko kung hatulan ako ng Diyos? Ano ang aking isasagot kung tanungin niya ako?
15Hindi baʼt ang Diyos na lumikha sa akin ang siya ring Diyos na lumikha sa aking mga alipin?