18Dahil marami akong gustong sabihin, at hindi ko na talaga ito mapigilan.
19Para akong bagong sisidlang-balat na punong-puno at malapit nang sumabog.
20Kinakailangan kong magsalita upang gumaan ang pakiramdam ko.
21Hindi ako papanig sa kahit kanino, ni magbigay papuri sa sinumang tao,
22sapagkat kung akoʼy mahusay mambola, akoʼy tiyak na pupuksain ng aking Manlilikha.