Job 35

At kung mananalangin sila, hindi sila sinasagot ng Diyos dahil mayayabang sila at masasamang tao.

Job 35:12 (UKJV) There they cry, but none gives answer, because of the pride of evil men.

10Ngunit walang nagsasabi, ‘Nasaan ang Diyos na aking Manlilikha, na nagbibigay ng mga awitin sa gabi?

11Nasaan ang nagtuturo at nagpapatalino sa atin nang higit pa sa mga ibon sa kalangitan?’

12At kung mananalangin sila, hindi sila sinasagot ng Diyos dahil mayayabang sila at masasamang tao.

13Tunay ngang hindi dinidinig ng Diyos na Makapangyarihan ang walang kabuluhang paghingi nila ng tulong.

14Lalo ka lang niyang hindi pakikinggan kung sasabihin mong hindi mo nakikita ang kanyang tulong nang idinulog mo ang iyong kalagayan, at pinaghihintay ka lang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.