Job 41

Makikiusap kaya itong lagi sa iyo na siyaʼy iyong pakawalan, o di kayaʼy humiling na iyong kahabagan?

Job 41:3 (UKJV) Will he make many supplications unto you? will he speak soft words unto you?

1“Mabibingwit mo kaya ang Leviatan? Matatalian mo kaya ang nguso niya ng lubid?

2Matatalian mo ba ng lubid ang ilong niya o mailalagay mo kaya ang kawit sa kanyang panga?

3Makikiusap kaya itong lagi sa iyo na siyaʼy iyong pakawalan, o di kayaʼy humiling na iyong kahabagan?

4Makikipagkasundo kaya siya sa iyo na magpaalipin habambuhay?

5Kaya mo ba siyang gawing alagang ibon, o di kayaʼy itali para sa iyong mga anak na babae?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.