2“Alam ko pong magagawa ninyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyong mga balak.
3Ako poʼy tinanong nʼyo kung bakit ako nag-aalinlangan sa inyong karunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na hindi ko lubos maunawaan.
4“Nakipag-usap po kayo sa akin at sinabi nʼyong makinig ako sa inyo at sagutin ko ang mga tanong ninyo.
5Noon ay naririnig ko lang po sa iba ang tungkol sa inyo, ngunit ngayon ay nakita ko na kayo.
6Kaya akoʼy nahihiya sa lahat ng sinabi ko tungkol sa inyo, ako po ngayon ay nagsisisi sa pamamagitan ng pag-upo sa abo at alikabok.”