Job 42

“Alam ko pong magagawa ninyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyong mga balak.

Job 42:2 (UKJV) I know that you can do every thing, and that no thought can be withheld from you.

1Sinabi ni Job sa Panginoon,

2“Alam ko pong magagawa ninyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyong mga balak.

3Ako poʼy tinanong nʼyo kung bakit ako nag-aalinlangan sa inyong karunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na hindi ko lubos maunawaan.

4“Nakipag-usap po kayo sa akin at sinabi nʼyong makinig ako sa inyo at sagutin ko ang mga tanong ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.