1Sinabi ni Job sa Panginoon,
2“Alam ko pong magagawa ninyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyong mga balak.
3Ako poʼy tinanong nʼyo kung bakit ako nag-aalinlangan sa inyong karunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na hindi ko lubos maunawaan.