17“Ano po ba ang tao upang pahalagahan at pagmalasakitan nʼyo ng ganito?
18Sinisiyasat nʼyo siya tuwing umaga at sinusubukan sa bawat sandali.
19Kung maaariʼy hayaan nʼyo akong mag-isa kahit sandali lang.
20At kung nagkasala naman po ako, ano po ang kasalanang nagawa ko sa inyo, O Tagapagbantay ng tao? Bakit ako ang pinili nʼyong pahirapan? Naging pabigat po ba ako sa inyo?
21Kung nagkasala po ako sa inyo, bakit hindi nʼyo na lang ako patawarin? Hindi na rin naman magtatagal at papanaw na ako, at kahit hanapin nʼyo ako, hindi nʼyo na ako makikita.”