1Sumagot si Job,
2“Totoo ang sinabi mo. Ngunit paano mapapatunayan ng tao na wala siyang kasalanan sa harapan ng Diyos?
3Kahit na makipagtalo pa siya sa Diyos sa hukuman, wala siyang magagawa, dahil sa isang libong katanungan ng Diyos, hindi niya masasagot isa man sa mga ito.
4Marunong at makapangyarihan ang Diyos. Sino ang nakipaglaban sa kanya at nagtagumpay?