23Kapag biglang namatay sa kalamidad ang matuwid, natatawa lang siya.
24Ipinagkatiwala niya ang mundo sa masasamâ. Tinatakpan niya ang mata ng mga hukom upang hindi sila humatol ng tama. Kung hindi siya ang gumagawa nito, sino pa kaya?
25“Madaling lumipas ang mga araw sa buhay ko; mas mabilis pa ito kaysa sa mananakbo. Lumilipas ito nang walang nakikitang kabutihan.
26Dumadaan itong kasimbilis ng isang bangkang gawa sa tambo o ng agilang dumadagit ng pagkain.
27Kahit tumigil na ako sa pagdaing at pagdadalamhati at akoʼy ngumiti na,