Job 9

Ipinagkatiwala niya ang mundo sa masasamâ. Tinatakpan niya ang mata ng mga hukom upang hindi sila humatol ng tama. Kung hindi siya ang gumagawa nito, sino pa kaya?

Job 9:24 (UKJV) The earth is given into the hand of the wicked: he covers the faces of the judges thereof; if not, where, and who is he?

22Pareho lang naman ang kapalaran ng matuwid at masama. Lahat sila ay mamamatay.

23Kapag biglang namatay sa kalamidad ang matuwid, natatawa lang siya.

24Ipinagkatiwala niya ang mundo sa masasamâ. Tinatakpan niya ang mata ng mga hukom upang hindi sila humatol ng tama. Kung hindi siya ang gumagawa nito, sino pa kaya?

25“Madaling lumipas ang mga araw sa buhay ko; mas mabilis pa ito kaysa sa mananakbo. Lumilipas ito nang walang nakikitang kabutihan.

26Dumadaan itong kasimbilis ng isang bangkang gawa sa tambo o ng agilang dumadagit ng pagkain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.