Job 12

“Ngunit naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Diyos ang mga dalangin ko noon.

Job 12:4 (UKJV) I am as one mocked of his neighbour, who calls upon God, and he answers him: the just upright man is laughed to scorn.

2“Ang akala nʼyo baʼy kayo lang ang marunong at wala nang matitirang marunong kapag namatay kayo?

3Ako man ay marunong din gaya ninyo; hindi kayo nakahihigit sa akin. Alam ko rin ang lahat ng sinasabi ninyo.

4“Ngunit naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Diyos ang mga dalangin ko noon.

5Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema.

6Ngunit ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Diyos ay namumuhay nang payapa gayong ang dinidiyos nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.