Job 12

Ngunit ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Diyos ay namumuhay nang payapa gayong ang dinidiyos nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.

Job 12:6 (UKJV) The tabernacles of robbers prosper, and they that provoke God are secure; into whose hand God brings abundantly.

4“Ngunit naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Diyos ang mga dalangin ko noon.

5Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema.

6Ngunit ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Diyos ay namumuhay nang payapa gayong ang dinidiyos nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.

7“Ang mga hayop ay iyong tanungin at ikaʼy kanilang tuturuan, o di kayaʼy ang mga ibon sa himpapawid at ikaʼy kanilang papayuhan.

8Kausapin mo ang lupa at ikaʼy kanyang tuturuan, o kayaʼy hayaan mong magpahayag saʼyo ang mga isda sa karagatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.