3Ako man ay marunong din gaya ninyo; hindi kayo nakahihigit sa akin. Alam ko rin ang lahat ng sinasabi ninyo.
4“Ngunit naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Diyos ang mga dalangin ko noon.
5Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema.
6Ngunit ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Diyos ay namumuhay nang payapa gayong ang dinidiyos nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.
7“Ang mga hayop ay iyong tanungin at ikaʼy kanilang tuturuan, o di kayaʼy ang mga ibon sa himpapawid at ikaʼy kanilang papayuhan.