5Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema.
6Ngunit ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Diyos ay namumuhay nang payapa gayong ang dinidiyos nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.
7“Ang mga hayop ay iyong tanungin at ikaʼy kanilang tuturuan, o di kayaʼy ang mga ibon sa himpapawid at ikaʼy kanilang papayuhan.
8Kausapin mo ang lupa at ikaʼy kanyang tuturuan, o kayaʼy hayaan mong magpahayag saʼyo ang mga isda sa karagatan.
9Sa lahat nang mga ito, mayroon bang hindi nakakaalam? Ang kamay ng Panginoon mismo ang gumawa nito?