3Ngunit hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa aking Diyos na Makapangyarihan ko na lamang ito idudulog.
4Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi.
5Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.
6Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko.
7Ipagtatanggol nʼyo ba ang Diyos sa pamamagitan ng pagsisinungaling?