Job 13

Ngunit hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa aking Diyos na Makapangyarihan ko na lamang ito idudulog.

Job 13:3 (UKJV) Surely I would speak to the Almighty, and I desire to reason with God.

1“Nakita koʼt napakinggan ang lahat ng sinabi ninyo, at itoʼy aking naunawaan.

2Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin.

3Ngunit hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa aking Diyos na Makapangyarihan ko na lamang ito idudulog.

4Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi.

5Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.