9Hindi na maalis doon ang mga paa niya.
10Inilagay ang bitag sa dinadaanan niya, at tinabunan ng lupa.
11Napapaligiran siya ng mga bagay na kinatatakutan niya at para bang hinahabol siya ng mga ito saanman siya pumunta.
12Dahil sa pagkagutom, unti-unting nababawasan ang lakas niya. At ang kapahamakan ay nakahanda upang ipahamak siya.
13Ang balat niyaʼy sinisira ng nakakamatay na sakit at nabubulok ang kanyang mga paaʼt kamay.