11Napapaligiran siya ng mga bagay na kinatatakutan niya at para bang hinahabol siya ng mga ito saanman siya pumunta.
12Dahil sa pagkagutom, unti-unting nababawasan ang lakas niya. At ang kapahamakan ay nakahanda upang ipahamak siya.
13Ang balat niyaʼy sinisira ng nakakamatay na sakit at nabubulok ang kanyang mga paaʼt kamay.
14Pinaalis siya sa tahanang kanlungan niya at dinala sa harap ng nakakatakot na hari.
15Mawawala ang tirahan ng masama dahil masusunog iyon sa nagniningas na asupre.