Job 22

At kung ituturing mong parang buhangin lang ang iyong kayamanan, at itatapon sa ilog ang iyong mamahaling ginto,

Job 22:24 (UKJV) Then shall you lay up gold as dust, and the gold of Ophir as the stones of the brooks.

22Tanggapin mo ang kanyang mga itinuturo at ingatan sa iyong puso ang kanyang mga salita.

23Kung manunumbalik ka sa Diyos na Makapangyarihan, at aalisin ang kasamaan sa iyong sambahayan, muli ka niyang bibiyayaan.

24At kung ituturing mong parang buhangin lang ang iyong kayamanan, at itatapon sa ilog ang iyong mamahaling ginto,

25ang Diyos na Makapangyarihan ang magiging kayamanan mo, Mamahaling pilak siya para sa iyo.

26At saka mo matatagpuan ang kaligayahang nagmumula sa Diyos na Makapangyarihan, at hindi ka mahihiyang lumapit sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.