Job 24

“Subalit ang masasama ay hindi magtatagal, gaya ng bula sa tubig. Kahit na ang lupa na kanilang pag-aari ay isinumpa ng Diyos. Kaya walang pumaparoon kahit sa kanilang ubasan.

Job 24:18 (UKJV) He is swift as the waters; their portion is cursed in the earth: he beholds not the way of the vineyards.

16Sa gabi, pinapasok ng mga magnanakaw ang mga bahay. Sa araw, nagtatago sila dahil umiiwas sila sa liwanag.

17Itinuturing nilang liwanag ang dilim, dahil gusto nila ang nakakatakot na kadiliman.”

18“Subalit ang masasama ay hindi magtatagal, gaya ng bula sa tubig. Kahit na ang lupa na kanilang pag-aari ay isinumpa ng Diyos. Kaya walang pumaparoon kahit sa kanilang ubasan.

19Kung paanong ang yelo ay natutunaw at nawawala dahil sa init, ang makasalanan ay mawawala rin sa daigdig.

20Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin silang tulad ng pinutol na punongkahoy at kakainin sila ng mga uod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.