Job 24

Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin silang tulad ng pinutol na punongkahoy at kakainin sila ng mga uod.

Job 24:20 (UKJV) The womb shall forget him; the worm shall feed sweetly on him; he shall be no more remembered; and wickedness shall be broken as a tree.

18“Subalit ang masasama ay hindi magtatagal, gaya ng bula sa tubig. Kahit na ang lupa na kanilang pag-aari ay isinumpa ng Diyos. Kaya walang pumaparoon kahit sa kanilang ubasan.

19Kung paanong ang yelo ay natutunaw at nawawala dahil sa init, ang makasalanan ay mawawala rin sa daigdig.

20Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin silang tulad ng pinutol na punongkahoy at kakainin sila ng mga uod.

21Sapagkat hindi maganda ang pakikitungo nila sa mga babaeng baog at hindi sila nahahabag sa mga biyuda.

22Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.