Job 24

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila.

Job 24:22 (UKJV) He draws also the mighty with his power: he rises up, and no man is sure of life.

20Lilimutin na sila at hindi na maaalala kahit ng kanilang ina. Lilipulin silang tulad ng pinutol na punongkahoy at kakainin sila ng mga uod.

21Sapagkat hindi maganda ang pakikitungo nila sa mga babaeng baog at hindi sila nahahabag sa mga biyuda.

22Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila.

23Maaaring hayaan sila ng Diyos na mamuhay nang panatag, ngunit binabantayan niya ang lahat ng kilos nila.

24Maaari rin silang magtagumpay, subalit sandali lang iyon dahil hindi magtatagal ay mawawala sila na parang bulaklak na nalalanta o parang uhay na ginapas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.