27Walang tigil na nasasaktan ang aking damdamin. Araw-araw paghihirap ang dumarating sa akin.
28Umitim ang balat ko hindi dahil sa init ng araw kundi sa aking karamdaman. Tumayo ako sa harap ng kapulungan at humingi ng tulong.
29Ang boses koʼy parang alulong ng asong-gubat o huni ng kuwago.
30Umitim ang balat koʼt natutuklap, at inaapoy ako ng lagnat.
31Kaya naging malungkot ang tugtugin ng aking alpa at plauta.”