9Ang katandaan ay hindi garantiya ng karunungan at kaalaman kung ano ang tama.
10“Kaya pakinggan ninyo ako. Sasabihin ko ang nalalaman ko.
11Naghintay ako habang iniisip ninyo kung ano ang nararapat ninyong sabihin. Pinakinggan ko ang inyong mga katuwiran.
12Pinakinggan kong mabuti ang mga sinabi ninyo, ngunit ni isa sa inyoʼy walang nakapagpatunay na nagkasala si Job; ni hindi ninyo nasagot ang mga pangangatwiran niya.
13Huwag ninyong sasabihing, ‘Napag-alaman naming mas marunong siya. Hayaan ninyong ang Diyos ang sumagot sa kanya at hindi ang tao!’