Job 32

Ang katandaan ay hindi garantiya ng karunungan at kaalaman kung ano ang tama.

Job 32:9 (UKJV) Great men are not always wise: neither do the aged understand judgment.

7Ang akala ko ay kayo ang dapat magturo dahil matatanda na kayo at maraming nalalaman.

8Ngunit ang totoo, ang espiritu ng Makapangyarihan na nasa tao, ang siyang nagbibigay ng pang-unawa.

9Ang katandaan ay hindi garantiya ng karunungan at kaalaman kung ano ang tama.

10“Kaya pakinggan ninyo ako. Sasabihin ko ang nalalaman ko.

11Naghintay ako habang iniisip ninyo kung ano ang nararapat ninyong sabihin. Pinakinggan ko ang inyong mga katuwiran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.